1/18/12

Ano nga ba ang sekreto ng sarili? Matagal mo na bang inisip o itanong sa sarili kung bakit may mahirap at mayaman. Ano nga ba ang sekreto sa Pagyaman? Ang ilan ba sa mga kayaman ng tao ay galing sa "Mana"- inherit o galing sa kasipagan ng tao, o ang ilan sa mayaman ay talagang likas na masuwerte.

Isang araw nagising na lang ako na may katanungan sa sarili " ano ba talaga ang kabuluhan o "purpose" ng aking buhay ? kung sino ba talaga ako ? at ano ba ang ginagawa ko sa mundong ito? "

Nilawakan ko ang aking pag-iisip, hangang sa ibinaling ang aking mga katanungan sa panginoon Diyos. Ang sabi ko sa Panginoon ay "SINO BA AKO" at puwede mo bang ipaliwanag sa akin ang mga katanungan ng aking sarili?

ANG SAGOT SA AKIN AY AHH! ISANG MAGANDANG KATANUNGAN !

" BAKIT HINDI IKAW ANG MAGSABI SA AKIN, DAHIL ALAM KONG ALAM MO ANG  SAGOT SA MGA KATANUNGAN MO "

"ANG SABI KO AY KAYA NGA AKO SA'YO NAGTATANONG DAHIL HINDI KO ALAM ANG SAGOT ? "

" ANG SABI SA AKIN AY HINDI KO DIN ALAM ANG SAGOT SA KATANUNGAN MO AT ALAM KO NA IKAW LAMANG ANG SIYANG MAKA-SASAGOT SA MGA IYAN."

" PANGINOON KAILANGAN-KAILANGAN KO PO ANG MGA KASAGUTAN SA AKING MGA KATANUNGAN "

" ANG SABI SA AKIN AY IKAW NGA ANG DAPAT MAGPALIWANAG SA AKIN KUNG ANO ANG KASAGUTAN SA IYONG MGA KATANUNGAN, DAHIL SA'YO NANG-GALING ITO. "

" ANG KAHIRAPAN KASI SA IYO AY LAGI MONG INI-ISIP NA TAYONG DALAWA AY LAGING MAGKALAYO, NA IKAW AY IBA SA AKIN "

" KUNG NALALAMAN MO LANG NA IKAW AY AKO AT ANG MGA SAGOT SA KATANUNGAN MO AY IKAW DIN ANG MAKA-SASAGOT "

" KAYA MONG GAWIN ANG GUSTO MONG NAISIN, KUNG GAGAWIN MO LANG NA  MAGING AKO- IKAW "

" NANDITO KA SA MUNDO PARA MALAMAN KO KUNG SINO AKO SA PAMAMAGITAN NG PAGKA-KILALA MO SA IYONG SARILI AT KUNG ANO ANG KABULUHAN NG BUHAY AT MAY KARAPATAN KANG BAGUHIN KUNG HINDI MO MAN ITO GUSTO."    


May kasabihan nga na;
Ang bata, mas maraming oras at lakas, pero walang pera !
Ang Masipag- maraming pera at lakas, pero wala naman oras para magsaya sa buhay.
Ang Matanda- maraming pera at oras sa buhay, pero wala naman lakas para magsaya.



Ano kaya ang sekreto o paraan kung paano natin ma-enjoy ang buhay hanggat bata pa tayo na maraming pera, lakas at oras upang madanasan natin ang kaligayan at masaganang buhay.

Marami na akong binasa, pinag-aralan at mga video na kung paano natin matatamasa ang sarap ng buhay ng mga Mayayaman na hindi natin tina-tamasa ngayon sa kasalukuyang pamumuhay.

Ito lamang ang isa sa mga napag-basihan ng aking pagsusuri. Umpisahan natin sa Bilble " New Testament "
Maraming ipinaliwanag si Hesus kung bakit ang mga apostoles niya ay hindi kayang magpa-alis ng masamang espiritung suma-sanib sa katawan ng tao.

Ito ang sinabi ni Hesus -


"You don't have enough faith," Jesus told them. "I tell you the truth, if you had faith even as small as a mustard seed, you could say to this mountain, 'Move from here to there,' and it would move. Nothing would be impossible."




" Faith " ang ibig sabihin ay paniniwala, Paniniwala ba kay " Hesus " o sa inyong " Sariling Pag-iisip at Kakayahan "

Lahat ng tao sa mundo, iba man ang iyong lahi o uri ay may kakayahan upang makamit ang lahat ng mga ito " kayaman, magandang kalusugan o kaligayahan " lahat ng ito ay makakamit kung gagamitin lang natin ang lakas ng isip na may kasamang pagti-tiwala sa sariling kakayahan.

SA MGA VIDEO NA INYONG MAPAPANOOD AY ISANG HALIMBAWA KUNG PAANO GAMITIN NG MGA TAO ANG IBA'T IBANG PARAAN SA PAG-GAMIT NG " POSITIVE THINKING" KUNG ANO MAN ANG KALAGAYAN NG BUHAY NILA.

ISANG PAALALA: ANG PAGBIGAY SA KAWANG-GAWA O CHARITY SA MGA MAHI-HIRAP NA TAO AY ISANG KAGANDAHANG ASAL AT PAGMA-MAHAL SA KAPWA.

AYON SA KANILANG PANINIWALA SA SALITA NG DIYOS NA KUNG MAGBIBIGAY KA NG TULONG SA KAPWA MO AY MAS MARAMING PAGPA-PALA ANG IBA-BALIK NG DIYOS. 

PERO KUNG ATING IISIPIN ANG DAHILAN MULI NANG KANILANG PAG ASENSO SA BUHAY AY DAHIL SA PAG-GAMIT NG KANILANG POSITIVE THINKING. PANOORIN NINYO ITO!



Dahil ba pananalig sa salita ng diyos ang dahilan kung bakit nila mababawi ang kayamanan nawala sa kanya o ang tunay na dahilan talaga ay ang pag-gamit ng positive thinking niya?

Marami sa atin ang nakapanood nito at ginawang halimbawa ang pagbigay sa mahirap, gunit sa kabila nito ay walang din pagba-bago nangyari sa buhay nila, bakit kaya?

Hindi ibig sabihin na matapos kang magbigay ng tulong sa kapwa ay ikaw ay pagpapa-lain ng Diyos. Kung ito laging panuntunan ng diyos sa atin lahat sanay marami nang mayaman sa mundo.






" ASK AND SHALL BE GIVEN "

Marami sa atin araw-araw bago matulog ay laging nagda-dasal at humi-hingi ng tulong sa diyos, pero nagtataka kung sa paglipas ng panahaon ay parang bang hindi nadi-dinig ang  ating mga panalangin o kahilingan, bakit kaya?

Kung lahat ng tao ay pinagbi-bigyan ng diyos sa lahat ng mga kahilingan, sana'y ang lahat nang tao sa mundo ay mayaman, maganda, walang sakit, masaya sa buhay, etc...

Panoorin ninyo ang taong ito at itanong mo sa iyong sarili kung sakaling gagawin ko din at sa-sabihin lahat nang sinabi niya sa diyos, sapalagay mo kaya ay makatulad kayo ng maging kapalaran sa buhay?


Kung minsan lagi tayong naka depende sa Diyos at laging ipina-uubaya sa kanya ang kapalaran ng buhay. Kung masasabi lang ng diyos sa atin na gumawa ka naman ng paraan sa buhay mo! Gamitin mo ang ibinigay kong kapangyarihan sa iyo na gamitin ang isip at samahan ng paniniwala sa sarili ay makuha mo ang ano man ang iyong gustong makamit o makuha sa buhay.

Bakit napagaling ni Hesus ang mga bulag at pilay, dahil sa pananalig sa sarili at hindi sa kanya.

" Then he touched their eyes, saying, “According to your faith be it done to you.”

Maniwala ka muna sa sarili mo, bago ka maniwala sa kanya, dahil kung may pananalig ka sa diyos at wala sa sarili, ano ang mangyayari sa buhay mo.


Mag-isip ka muna sandali at sabihin kung tama ang nabasa mo.